Nasaan na?

Ikaw,

Ikaw na sa aki’y nagbigay saya,

Ikaw,

Ikaw na nagparamdam sa’kin ng pagmamahal,

Ikaw,

Ikaw na aking minahal,

Ikaw, 

Ikaw na patuloy pa ring minamahal

Nasaan ka na nga ba mahal kong ikaw?

Nasaan ka na nga ba?

Nasaan na nga ba ang pag-ibig na sa aki’y noong inaalay?

Nasaan na nga ba ang s’yang dating ikaw?

Parang kailan lang noong ika’y nagmamakaawa, halos lumuhod sa aking harap mapansin ka lamang. Parang kailan lang noong ako’y iyong minamahal pa, kahit na hindi pa nasusuklian pag-ibig mong inaalay.

Binigyan ka nang pagkakataong mapakita ang iyong damdamin. Binigyan ka nang pagkakataong kilalanin ang aking sarili. Binigyan ka ng pagkakataong makasama ako ngunit…

Anong nangyari sa atin? 

Mayroon pa ba akong aasahan sa atin?

O wala na nga bang kahit anong atin?

Bakit ngayon pang ika’y mahal na?

Bakit ngayon pang ika’y kailangan na?

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s